AABOT na sa P55-M ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang nakararanas ng epekto ng Bagyong Kristine.
Ayon sa DSWD, karamihan ng tulong na ipinaaabot sa ngayon ng ahensya ay family food packs.
Inilalaan naman ito sa mga rehiyong labis na tinamaan kabilang ang Cagayan Valley, MIMAROPA, Bicol Region at 13 pang rehiyon
Mula kahapon, umakyat pa sa higit 488,776 pamilya o higit 2.1 milyong indibidwal ang naitalang naapektuhan ng kalamidad.
Nasa 48,000 namang pamilya ang nananatili pa sa evacuation centers.
Sa ngayon, puspusan pa rin ang ginagawang repacking ng DSWD para mareplenish ang food packs sa ibat ibang lalawigan na kasalukuang binabayo ng bagyong Kristine.
P ANTOLIN