P56.7-M SHABU NASABAT SA BAGAHE NG NORWEGIAN

ARRESTED IN NAIA

INARESTO ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang isang Norwegian national matapos madiskubre ang 3,800 gramo ng shabu sa loob ng kanyang bagahe.

Kinilala ang suspek na si Rose Alex Moi, 69-anyos, walang asawa, residente ng Hovik, Norway na dumating sa bansa nitong Huwebes ng gabi sa NAIA Terminal 3, sakay ng Emirates Airlines flight EK334 via Dubai galing ng Johannesburge, South Africa.

Ayon kay Port of NAIA Collector Carmelita Talusan, ang naturang shabu ay tinatayang aabot sa mahigit sa P56,712,000 na itinago sa loob ng kanyang bagahe upang makalusot sa mga kinauukulang.

Ani Talusan, nadiskubre ng kanyang mga tauhan sa X-ray personnel matapos makitaan ang bagahe ng suspek nang tinatawag na blurred images pagdaan sa X-ray machines na siyang naging dahilan upang ipadaan ang kanyang bagahe ng regid examinations.

Nakuha kay Moi ang improvised pouches na gawa sa brown packaging at ibinalot ito ng color gray duct tape na naglalaman ng white crystaline substances concealed sa false side luggage na tumitimbang sa 3,840 gramo.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA). FROILAN MORALLOS/ MHAR BASCO