NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) kasama ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang nasa P58 milyong halaga ng ilegal o pekeng sigarilyo sa Caloocan City.
Katuwang din ng naturang mga ahensya ang PNP at mga tauhan ng Barangay 168 Caloocan ng inspeksiyunin ang 9 na trak na nakaparada sa nasabimg barangay bitbit ang Letter of Authority at Mission Order (MO) na pirmado ng BOC.
Sa inspeksiyon, nadiskubre ang 1,670 master cases ng sigarilyo na pinaniniwalaang pineke habang maraming ipinupuslit sa bansa.
Ang mga pekeng sigarilyo ay malaki ang bentahan sa probinsya.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang responsable sa operasyon. PAUL ROLDAN