P590-M COUNTERFEIT GOODS NASABAT

CAVITE – UMAABOT sa P590 milyong halaga na counterfeit goods na sinasabing walang kaukulang dokumento ang kinumpiska ng Bureau of Customs katuwang ang Customs Intelligence Service-Intellectual Property Rights Division ( CIIS-IPRD) makaraang salakayin ang isang warehouse sa bahagi ng Brgy. Niog Road, Bacoor City nitong Huwebes ng umaga.

Sa nakalap na ulat ng BOC, armado ng Letters of Authority na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, isinilbi ng implementing team ng personnel mula sa CIIS-IPRD, BOC-Port of Manila at Armed Forces of the Phils ang Maclane Storage Facility na kinalalagyan ng counterfeit goods.

Bago selyuhan ang nasabing bodega, isinalalim sa pagsusuri ng BOC examiners sa harao mismo ng CIIS at AFP operatives ang nga counterfeir goods na may brand names na Nike, Adidas, Lacoste, Dickies, at iba pang items tulad ng construction supplies.

Maging ang power tools, marine communication at telecommunication devices, assorted foodstuff kung saan nadiskubre rin ang 2 forty-foot (2×40) cantainers van na naglalaman ng IPR-infringing goods.

Inatasan naman ng mga awtoridad ang representatives ng warehouse at containers van na magpakita ng importation documents at iba pang pertinent permits sa lahat ng goods na nadiskubre ng BOC.

Isinilalim sa masusing imbestigasyon at inihahanda ng BOC ang mga posibleng kaharapin ng may-ari ng conterfeit goods kaugnay sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Phils. ( RA8293) at Customs Modernization and Tariff Act (RA10863).

Ayon sa BOC, may posibilidad na sunugin ang counterfeit goods base na rin sa rekomendasyon ng complainants para hindi tularan ng iba kung saan maaring makaapekto safety hazards sa local consumers. MHAR BASCO