P595-M AYUDA NG USAID SA MINDANAO

USAID

NAGLAAN ang US government ng P595 million para sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sa impormasyong ibinahagi ng US Embassy sa Manila, inanunsiyo na ng US government ang P595 million extension sa Mindanao Peace and Development Assistance Agreement.

Nabatid na nilagdaan ang extension sa bilateral agreement sa pagitan ng US Agency for International Development (USAID) at ng Mindanao Development Authority (MinDA).

Ang nasabing programa ay sumusuporta sa mga proyekto na may layuning mapalakas ang pamumuno, mapalawak ang economic opportunities, magtayo ng imprastruktura  at mapalakas ang pundasyon ng kapayapaan at katiwasayan sa mga conflict-affected area sa rehiyon ng Mindanao.

Lumagda sa kasunduan sina acting USAID Mission Director Patrick Wesner at MinDA chair Datu Abul Khayr Dangcal Alonto .

Dahil dito, umaabot na sa P7 billion ang kabuuang suporta ng Amerika sa Mindanao Peace and Development Assistance Agreement simula noong 2007.

“The extension funds opportunities for people affected by the Marawi Siege to improve their economic conditions, and will strengthen community cohesion among the displaced population,” ayon pa sa statement na inilabas ng US Embassy.     VERLIN RUIZ

Comments are closed.