P5B PARA SA RECOVERY NG BARMM INILABAS NG DBM

AABOT sa P5 bilyon ang inilabas ng pamahalaan para sa recovery ng mga nawasak na komunidad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM).

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, kanya nang inaprubahan ang Notice of Cash Allotment (NCA) para sa nasabing halaga.

Sakop ng alokasyon ang Special Development Fund under the National Government’s provisions to Republic Act (RA) 11054 o Organic Law for BARMM na ilalabas kada taon na tatagal ng sampung taon mula sa ratification ng Organic Law for BARMM, o ang grand total ng P50 billion.

“Sa pamamagitan ng pondong ito, umaasa po tayo na magtutuloy-tuloy ang pag-unlad ng BARMM.

Hinding-hindi po bibitawan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang pag-agapay sa BARMM, lalo na sa transition process nito,” ayon kay Pangandaman.

Ang release ng pondo sa ilalim ng Fiscal Year na 2023 ay inaprubahan kasunod ng pag-apruba ni BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim para sa submission ng Cash Program na naglalaman ng cash requirements at schedule para sa programs/projects/activities (PPAs) na popondohan ng Special Development Fund sa Fiscal Year 2023 General Appropriations Act, RA No. 11936.

Ang hakbang ng pamahalaan, ayon kay Pangandaman, ay nagpapatunay ng suporta sa peace and advancement efforts sa BARMM sa pamamagitan ng panukalang financial aid na P80.6 billion para sa FY 2024.
EVELYN QUIROZ