TULOY na tuloy na ang pagbibigay ng ayuda sa mga drayber at operator ng jeep na apektado ng excise tax sa langis bunsod ng Tax Reform on Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ito ay matapos na malagdaan na ng mga opisyal ng gobyerno ang Pantawid Pasada Program ng pamahalaan,.
Sa nasabing programa ay makatatanggap ng tig-P5,000 fuel voucher ang nasa halos 180,000 na registered unit ng jeep sa buong Filipinas para sa kasaluyang taon, na pinondohan ng halos P1-bilyon ng gobyerno.
Kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan na nagpatibay at dumalo sa pirmahan ay sina Transportation Sec. Arthur Tugade, Budget Sec. Benjamin Diokno, Energy Sec. Alfonso Cusi, Finance Asec. Tony Lambino, LTFRB Chairman Martin Delgra, at Landbank Pres. Alex Buenaventura.
Isa ang fuel vouchers sa mga probisyon ng Tax Reform on Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na magbibigay ayuda sa mga driver and operator ng tulong dahil sa dagdag na buwis sa petroleum products.
Ito ay sa likod ng forecast ng Department of Energy na bababa na ang presyo ng langis sa mga darating na buwan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.