P5K CASH GIFT SA FARMERS MALAKING INSULTO – SOLON

Rep Arlene Brosas-2

TINAWAG ng isang kongresista na isang malaking insulto ang plano ng pamahalaan na bigyan ng P5,000 cash gift sa Disyembre ang bawat magsasaka sa bansa.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, hindi ito maituturing na regalo sa mga magsasaka dahil kulang na ku-lang din ito para pambili ng Noche Buena.

Sa halip, iginiit ni Brosas na maglaan ang pamahalaan ng P15 bil­yong pondo para sa pagbili ng palay ng mga lokal na magsasaka.

Hindi rin, aniya, kakasya ang P5,000 para makabawi sa ma­tinding pagkalugi na inabot ng local rice farmers sa pagbaha ng imported rice na epekto ng Rice Tariffication Law.

Nauna nang inihain sa Kamara ng mahigit 50 kongresista ang House Joint Resolution No. 18 para maglaan ng P15-billion supplemental budget sa National Food Authority (NFA) na eksklusibong gagamitin sa pagbili ng mga palay ng local farmers sa halagang P20 kada kilo.

Inihain na rin ang House Bill 476 na layong amyendahan ang RA 11203 o ang Rice Tariffication Law. CONDE BATAC

Comments are closed.