NORTH COTABATO- NASABAT ng Police Regional Office -12 sa pamumuno ni PBrig. Gen. Alexander Tagum ang tangkang ng limang lalaki na umano’y smugglers ang pagbibiyahe ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P5 sa Makilala.
Ayon kay Tagum, nasabat ang limang suspek sa isang checkpoint sa Barangay Old Bulatukan.
Bago ang pagdakip sa lima, may impormasyon an silang natanggap na posibleng may truck na daraan sa nasabing lugar na kargado ng kontrabando.
Kaya alas- 4:30 ng madaling araw, isang 6-wheeler cargo truck ang pinahinto at nang siyasatin ay nadiskubre ang kahon-kahon ng mga sigarilyo at hindi lisensiyadong armas.
Patungo sana ang cargo truck sa General Santos City mula Davao del Sur.
Kinilala naman ang mga naaresto na sina Rey Arnold Etil Mariscal, Rheno Quiao Mariscal, Romulo Calibo Soria, Pablito Agravante Elorcha, at Glenn Torres Judilla na ngayon ay nakakulong sa PRO-12 headquarters in Barangay Tambler, General Santos City.