NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa mahigit sa P6 milyon halaga ng shabu sa Clark International Airport (CIA) .
Ayon sa ulat, tumitimbang sa isang kilogram ang bigat ng shabu na nagkakahalaga ng P6,126,800.00 na itinago sa loob ng apat na CCTV Camera.
Batay sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cutoms Anti-Illegal Drug Task Force (IDTF), ipadadala ang mga ito sa hindi binabanggit na consignee mula sa Auckland,New Zealand.
Idineklara ito bilang mga CCTV camera,ngunit nang dumaan sa 100 percents examinasyon nadiskubre sa loob ng mga camera ang anim na packs ng illegal drugs.
Agad inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ni Port of Clark District Collector Alexandra Lumontad ang consignee bunsod sa paglabag ng ng Section 118 (g), 119 (d) ay 113 par. f & l (3 & 4) of R.A. 10863 o kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. 9165 o tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasabay nito,inilipat na mga drogang nasamsam sa mga tauhan ng PDEA bilang pagsunod sa Customs Administrative Order No. 03-2020.FROILAN MORALLOS
238529 412593hi there, your internet site is discount. Me thank you for do the job 735646
218631 322001Im impressed, I ought to say. Genuinely rarely do you encounter a weblog thats both educative and entertaining, and let me let you know, you could have hit the nail about the head. Your concept is outstanding; ab muscles something that too couple of folks are speaking intelligently about. Im delighted i identified this in my hunt for something about it. 100171