NASAMSAM ng mga awtoridad sa buy bust operation ang 917 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.2 milyon kahapon ng madaling araw sa Pasig City.
Ayon sa ulat ni Col. Celerino Sacro Jr., hepe ng Pasig PNP kay EPD-District Director Col. Wilson Asueta, kinilala ang nadakip na suspek na si Jhun Lawrence Lao y Calagos, 18-anyos na isang high value individual at nakatira sa No. 95 Villa Monique, Phase 1, Brgy., Pinagbuhatan sa nasabing lungsod.
Nabatid na dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto ng mga awtoridad ang suspek sa Bolante -2, Pinagbuhatan.
Nakumpiska rito ang ilang transparent plastic sachet ng shabu na may 917 gramo na nagkakahalaga ng P 6, 235, 600.00, isang digital weighing scale, 34 piraso ng boodle money na tig- P1,000.00 at shabu paraphernalias.
Hawak na ng pulisya ang suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa RA9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. ELMA MORALES