NASA P6.352 trillion ang panukalang national budget para sa 2025.
Ang halaga ay mataas ng 10.1% kaysa P5.768 trillion na budget ngayong taon, ayon sa Development Budget Coordination Committee.
Isusumite ng DBCC sa Kongreso ang panukalang budget sa ika-29 ng Hulyo, matapos ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tema ng pambansáng pondo sa susunod na taón ay “Agenda for Prosperity: Fulfilling the Needs and Aspirations of the Filipino People.”
Layunin ng 2025 national budget na mapagbuti ang kakayahan ng pamilyang Filipino, mapalakas ang sektor ng produksyon para sa karagdagang mga trabaho at para sa produksyon ng dekalidad na mga produkto.