P6.37-M SAHOD PARA SA 1,419 WORKERS

Sec Silvestre Bello III-2

UMABOT sa P6.37 milyong kabuuang sahod ang ipinamahagi kamakailan sa 1,419 manggagawa sa impormal na sektor sa Ormoc City ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa patuloy na pagpapalakas ng implementasyon ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pamamahagi ng sahod kasabay ng pangako na ipagpapatuloy ng kagawaran ang pagbibigay ng mga programa at serbisyong panghanapbuhay at empleo sa mga nangangailangang manggagawa sa mga rehiyon sa Silangang Kabisayaan at sa buong bansa.

“Sinisigurado ko sa ating mga katuwang sa pamahalaang-lokal na ang inyong labor department ay patuloy na magsusumikap upang maibigay sa inyo ang pinakamaayos na serbisyong panghanapbuhay at empleo para sa pag-unlad ng ating minamahal na manggagawang Filipino,” pahayag ni Bello.

Dahil sa pagiging epektibo ng programang TUPAD sa pagbibigay ng pansamantalang oportunidad sa empleo para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, sinabi ni Bello na ipagpapatuloy ng Labor Department ang implementasyon ng nasabing programa para mas marami pang Filipino ang makinabang dito.

“Ang programang TUPAD ay talagang nakatutulong sa maraming tao mula sa iba’t ibang lugar at masaya akong nakikita na ang pamahalaan, sa pamamagitan ng DOLE, ay nakapagbibigay ng tulong sa ating manggagawa ngayong may pandemya,” dagdag niya.

Sa kabuuang bilang ng benepisarsyo ng TUPAD, 1,080 manggagawa ang nakatanggap ng tig-P4,875 bayad sa 15-araw na pagtatrabaho samantalang 339 manggagawa naman ang tumanggap ng tig-P3,250 para sa 10-araw na trabaho mula sa programang TUPAD.

Maliban kay Bello, ang pamamahagi ng sahod, na ginanap noong Abril 23 sa Ormoc Superdome, ay sinaksihan din nina Labor Undersecretary Renato Ebarle, DOLE-RO8 Regional Director Henry John S. Jalbuena at DOLE West Leyte Field Office Head Fe A. Estrella.

Nagpahayag ng pasasalamat kay Bello sina Leyte 3rd District Rep. Lucy Torres-Gomez at Ormoc City Mayor Richard I. Gomez hindi lamang sa kanyang pagdalo sa mahalagang okasyon, gayundin sa lahat ng tulong na naibigay ng DOLE sa mga residente ng Ormoc.

Ang TUPAD ay isang tulong pang-komunidad na nagbibigay ng pansamantalang trabaho para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, underemployed at seasonal na manggagawa, na hindi bababa ng 10 araw at hindi hihigit ng 30 araw, depende sa klase ng trabahong gagawin. LIZA SORIANO

10 thoughts on “P6.37-M SAHOD PARA SA 1,419 WORKERS”

  1. 830719 26741Hi. Cool write-up. There can be a difficulty with the internet site in firefox, and you might want to test this The browser is the marketplace leader and a huge portion of folks will miss your exceptional writing due to this dilemma. 415718

  2. 842122 806626Ive just been talking to Sean Gallagher about his upcoming Instant Income Cash Machine course, and hes been kind enough to fill me in on several details regarding his upcoming course. 60682

  3. 192675 158783Most appropriate the human race messages function to show your and present exclusive chance with special couple. Beginer appear system in advance of raucous individuals will most likely always be aware most with the golden value off presentation, which is actually a persons truck. greatest man jokes 521136

  4. 459416 897128Hi. Cool write-up. Theres an issue together with your internet site in firefox, and you might want to check this The browser may be the market chief and a good section of folks will pass more than your excellent writing because of this problem. 39194

  5. 431353 856594Greetings! Quick question thats completely off topic. Do you know how to make your internet site mobile friendly? My site looks weird when browsing from my apple iphone. Im trying to locate a template or plugin that might be able to correct this concern. In case you have any suggestions, please share. With thanks! 370506

Comments are closed.