NORTH COTABATO-AABOT sa P6.3 million ang halaga ng smuggled na sigarilyo na nasabat ng Bureau of Customs – port of Davao sa bayan ng Makilala.
Arestado naman ang limang suspek na kinilalang sina Rey Mariscal, Rheno Quiao Mariscal, Romulo Soria, Pablito Elorcha at Glenn Torres Judilla.
Ayon sa BOC, pawang lulan ang lima ng six – wheeler truck na kargado ng 12,500 reams ng puslit na sigarilyo.
Patungo sanang General Santos City mula Davao del Sur ang truck nang maharang ng mga pulis.
Inisyuhan naman ng warrant of seizure and detention ang mga nasabat na smuggled items dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.