NASABAT nang pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Central Mail Exchange Center (CMEC) ang ecstacy na aabot sa P6,570,500.00 milyon ang halaga.
Ayon sa impomasyon na nakalap ng pahayagang ito, ang mga drogang ito ay mula sa Germany na itinago sa loob ng dalawang improvised pouches na naglalaman ng 3,865 hexagon ecstacy tablets.
Ang nasabing mga ecstacy ay agad na inilipat sa kostudiya ng mga tauhan ng PDEA habang nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy at papanagutin ang mga taong responsable sa pagpaparating ng mga ecstacy.
Sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 na may kaugnayan sa Section 119 (Restricted Importation) at Section 1401 (Unlawful Importation) of Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), mariing ipinagbabawal ang importasyon ng mga illegal drugs sa bansa. FROILAN MORALLOS
888494 595680learning toys can enable your kids to develop their motor skills quite easily;; 828606