BENGUET- UMAABOT sa P6.5 milyong halaga ng 32,585 fully grown marijuana plants ang sinira ng mga pulis sa Kalinga at Benguet.
Batay sa report ng PNP Cordillera Public Information Office chief Col. Carolina Lacuata, isinagawa ang dalawang araw na magkakahiwalay na operasyon sa Barangay Ngibat, Tinglayan, Kalinga; Bas-angan at Kayapa, Bakun; Tacadang, Kibungan sa Benguet.
Aniya, ang operasyon ay isinagawa mula Setyembre 19 hanggang 20, kasama ang mga operatiba mula sa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency in the Cordillera.
Wala namang naaresto sa operasyon.
“Our operatives walk several hours because cultivation is intentionally done in hard-to-reach areas of the mountains and cultivators are adept with the place, allowing them to monitor incoming government troops and scamper before we even reach the place,” dagdag ni Lacuata.
“There are signals used by planters and their cohorts to inform those at the plantation areas if there are government troops who are arriving,” dagdag nito.
Ang Tinglayan, Kalinga; at Bakun at Kibungan sa Benguet ay kasama sa listahan ng mga lugar kung saan isinasagawa ang marijuana eradication operations. EVELYN GARCIA