NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang 1.026 kilogram ng shabu at 30 ml marijuana na tinatayang aabot sa 6.5 million pesos.
Ayon sa report, ang marijuana ay nakalagay sa isang aquarium filter, at dumating ito nitong nakaraang araw galing sa Czech Republic.
Idineklara ng may ari na “external aquarium filter” ngunit sa tulong ng K9 snniffing dog ng BOC ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Customs examiner na ipadaan sa 100 percent examination at dito nakita ang dalawang plastic packs ng shabu.
Agad itong inisyuhan ng BOC ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) dahil sa paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. FROI MORALLOS
Comments are closed.