P6.8-M SHABU NALAMBAT SA 2 BIGTIME PUSHERS

DALAWANG BIGTIME drug personalities ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa inilunsad na anti- narcotics operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang nadakip na si Jake Hernandez, 21-anyos at Lorieben Delos Santos, 18-anyos.

Base sa ulat, dakong alas-8:55 ng gabi nang isagawa ng PDEA MIMAROPA-RSET ang anti-drug operation sa Barangay 76 MOA Pasay City sa tulong ng Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon Police Office.

Isang ahente ng PDEA ang umaktong poseur buyer at nakabili ng shabu at nang magkaabutan ay agad na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa dalawa ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon gayundin ang ginamit na buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002. VERLIN RUIZ

8 thoughts on “P6.8-M SHABU NALAMBAT SA 2 BIGTIME PUSHERS”

  1. 374045 566707Greetings! This really is my very first comment here so I just wanted to give a quick shout out and tell you I genuinely enjoy reading via your blog posts. Can you recommend any other blogs/websites/forums that deal with exactly the same topics? Thank you so significantly! 686667

  2. 213963 516999You completed certain good points there. I did searching on the topic matter and identified most persons will go together with your blog 557390

Comments are closed.