P6.8 M SHABU NASAMSAM NG AFP, PDEA

ISANG big-time drug personality ang nadakip ng sanib-puwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Barangay Porog, Pualas, Lanao del Sur.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command,isang buy bust operation ang inilitag katuwang ang PDEA-BARMM kung saan naaresto si Romie Diamillah Hadji Alawi.

Sa impormasyong ibinahagi ni Lt. Col. Franco Raphael Alano, Commander ng 55IB isang big-time drug dealer ang nadakip sa joint buy bust operation sa Barangay Porog, sa munisipalidad ng Pualas.

Tinatayang nasa isang kilo ng shabu na may street value na aabot sa P6,800,00O ang nakuha sa suspek.
Narekober din sa suspek ang Toyota Hilux, isang Cal. 32 pistol na may apat na bala, isang genuine P1,000 buy-bust money, 16 bundles photocopied P1,000 bill na may halagang P1,600,000, isang analog cellphone, at brown wallet na may P300 cash at assorted IDs. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “P6.8 M SHABU NASAMSAM NG AFP, PDEA”

Comments are closed.