ILOCOS SUR – MAHIGIT P6.8 milyong halaga ng shabu ang natagpuan ng dalawang mangingisda mula na palutang-lutang sa West Philippine Sea sa Barangay Dili, Santa Cruz sa lalawigang ito.
Agad na ibinigay sa lokal na pulisya ang vacuum-sealed transparent plastic pack na may label na Chinese character.
Ang kontrabando ay isinumite sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Office 1 sa San Fernando City, La Union para sa forensic analysis.
Kinumpirma ng chemistry report na shabu ang substance na may kabuuang timbang na 1,000.40 gramo at ang karaniwang presyo ay nasa P6,802,720.
Pinuri ni BGen. Lou F. Evangelista, hepe ng Ilocos police ang dalawang mangingisda sa kanilang desisyon at hinimok ang lahat ng mangingisda na iulat ang mga katulad na natuklasan sa pulisya.
EVELYN GARCIA