RIZAL-HUMIGIT kumulang sa P6 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat na drug pushers sa lungsod ng Antipolo.
Ayon sa ulat ni Maj. Joel Costudio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PNP Provincial Director Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga naaresto na sina Dennis Longganaya, 23-anyos; Ianz Abalos, 24-anyos; Reynante Romero alyas “Asiong” at Nino Felipe Manzano, pawang mga nasa hustong gulang sa nabanggit na lungsod.
Unang nadakip nina Lt. Daniel Solano ang tulak na sina Longganaya at Abalos, dakong alas-10:45 kamakalawa ng gabi sa Sumulong Highway, Antipolo City at narekober dito ang 53 gramo ng droga na may halagang P360, 400.00 habang nahuli rin sina Romero at Manzano dakong alas- 3:30 ng madaling araw ng sumunod na araw sa Dimson St., Purok-2, Zone-8, Brgy., Cupang sa nasabing lungsod.
Nasamsam dito ang 16 plastic Cling Wrap na dried marijuana leaves na may bigat na 2 1/2 na nagkakahalaga ng P250, 000.00.
Sa kahalatan na nakumpiskang droga at marijuana ay nagkakahalaga ito ng P610, 400.00 na dinala na sa forensic for laboratory test.
Habang kinasuhan na ang 4 na tulak sa korte. ELMA MORALES