P60-M 4-STOREY SCHOOL BUILDING PINASINAYAAN

BATANGAS – BILANG bahagi ng pangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaguyod ang kapakanan ng kabataang Pilipino sa pamamagitan ng pagtiyak ng pagkakaroon ng access sa de-kalidad na edukas­yon, pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at mga kapwa mambabatas  ang  inaguras­yon  ng P60 million  4- storey building na may 20 classrooms para sa Bauan Integrated Technical High School (BITHS) sa Bauan sa lalawigang ito.

Sa nasabing kaganapan, sinabi ni Romualdez sa harap ng nasa 3000 dumalong residente at mga opis­yal ng 6 na bayan ng Batangas 2nd district, tinalakay nito kay Appropriations Chairman Elizaly Co ang posibilidad ng paglalaan ng pondo para sa dalawa pang bagong gusali para sa BITH upang makapag-accommodate ng mas maraming estudyante sa lugar.

Ang mga bagong gusali ng paaralan ay idinisenyo upang tugunan ang tumataas na bilang ng mga estudyante sa rehiyon, na tinitiyak na mayroon mga pasilidad na kinakailangan upang magtagumpay sa kanilang mga akademikong pagsisikap.

Ang 20 silid-aralan ay magbibigay ng ang­kop na kapaligiran sa pag-aaral para sa mga estudyante.

Malugod na tinanggap ni Batangas 2nd district Congressman Gerville “Jinky Bitrics” Luistro si Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., at ilang mi­yembro ng House Quad Committee.

Naglaan din si Ro­mualdez ng P3,000 ayuda sa lahat ng dumalo sa okasyon sa pamamagitan ng AKAP, AICS at TUPAD program ng pamahalaan.

BONG RIVERA