P600B PAKINABANG SA EKONOMIYA SA NEW AGRARIAN EMANCIPATION ACT

PINAGTIBAY  ng Kamara at Senado nitong Miyerkoles, ang huling araw ng sesyon ng Kongreso bago ang Semana Santa, ang House Bill 6336 at Senate Bill 1850, ang kani-kanilang bersiyon ng “New Agrarian Emancipation Act” o bagong batas sa reporma sa lupa. Lagda ng Pangulo na lang ang kailangan bago ito maging ganap na batas.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee at may-akda ng panukalang batas sa Kamara, ang ‘New Agrarian Emancipation Act’ ay mauukit sa mga aklat ng kasaysayan ng bansa bilang “pinakamahalagang batas ng kaganapan” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos,

Pinuna ni Salceda na “halos tatlong dekada ang nakaraan at sa ilalim ng Pangulong may makasaysayang mandato, bago naisabatas ang sadyang makasaysayang batas na ito. Ang tinutukoy niya ay ang 31 milyong Pilipino na bumoto kay Marcos noong Mayo 2022 pambansang halalan.

Sa ilalim ng ‘New Agrarian Emancipation Act,’ patatawarin ang P58.125 bilyong pagkakautang ng mga 654,000 benipisyaryo ng reporma sa lupa na sumasaklaw sa 1.18 milyong ektarya ng mga lupain.

“Ipinakipaglaban ko ang panukalang batas at adhikain kong ito mula ng unang termino ko sa Kongreso. Itinuloy ko ang laban sa ilalim ng gabinete ng administrasiyon Arroyo at sa nakaraang administrasyong Duterte. Ngayon, napatunayang tama ako at magkakabunga ang mga pinagsikapan ko sa loob ng tatlong dekada,” masiglang sinabi ni Salceda.

Isang beteranong mambabatas at respetadong ekonomista, inakda ni Salceda ang maraming mahahalagang batas gaya ng RA 10931 na kilala sa pangalang ‘Universal Access to Quality Tertiary Education Act;’ RA 10963 o ‘Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law;’ at RA 11534 o ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law,’ at mga iba pa.

“Kapag nilagdaan ni Pangulong Marcos ang ‘New Agrarian Emancipation Act,’ parang iuukit na rin niya sa mga aklat ng kasaysayan natin ang mga isusulat pa tungkol sa kanyang administrasyon. Ang batas na ito ay maituturing na pinakamahalagang batas na naakda sa unang sesyon ng Kongreso sa ilalim ng administrasyong Marcos,” sabi niya.

“Ngayon, sa wakas ay masisimulan na nating ituwid at itama ang pinakabuod ng kamalian sa ilalim ng ‘Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)’ – ang paglalagay sa mahihirap na mga magsasaka sa pagkakautang ng walang sapat na kaukulang mga serbisyo at suporta upang mapalakas ang ani mula sa pagsasaka,” paliwanag ni Salceda.

Sa ilalim ng bagong batas kapag ipinatupad na ito, ang lahat ng utang at pagkakautang ng mga benipisyaryo ng CARP, kasama ang mga nadagdag na mga multa nito, at patatawarin, mawawalang bisa at mabubura.

Ayon kay Salceda, ang CARP, kung walang sapat na serbisyong suporta at kulang sa puhunang kapital ang mga banepisyaryo nito, ay hahantong lamang sa hindi sapat na ani na katumbas ng kabawasang 34.1 porsiyento kung mihahambaing sa karaniwang pagsasaka. Naging katumbas ito ng halos P418 billion ng lugi sa ani mula sa 10.3 million ektaryang saklaw ng CARP taon-taon.

Ang pagpapatawad sa naitalang mga pagkakautang ay magiging daan naman tungo sa dagdag na ani na aabot sa 28% hanggang 38% para sa mga lupaing nabaon sa utang dahil sa higit na mabisang paggamit sa kanila at sa akmang puhunan at suportang makukuha nila.

“Lilikha ito ng kabuuang halaga ng kita na aabot sa P54.02 bilyon isang taon para sa sektor ng agrikultura, at magbubukas ng mga P472 bilyong puhunang pautang sa mga magsasaka, at magpapalago sa yaman ng mga benepisyaryong pamilya ng CARP na maaaring umabot sa P590 bilyon sa pangkalahatan,” paliwanag ng kilalang ekonomistang mambabatas.

“Naging personal kong adbokasiya at misyon ang ‘Estate Tax Amnesty’ para sa mga lupaing agraryo, at magiging higit na simple madali ang paglipat nito sa mga anak ng magsasaka ng walang multa. Sa ilalim ng bagong batas, binibigyan din ng mandato ang ‘Department of Interior and Local Government’ (DILG) na amukiin ang mga pamahalaang lokal na lumikha din ng sarili nilang inisyatibo at batas para mapatawad ang mga pagkakautang ng mga lupaing agraryo,” dagdag niyang paliwanag.

Wala sa ratipikadong bersiyon ng bagong batas ang probisiyong nakapaloob sa dating bersiyon ng Kamara ang libreng pamamahagi ng mga lupain agraryo sa hinaharap, ngunit dahil sa ito’y nabanggit ng Pangulo sa unang State of the Nation Address (SONA) niya, maaaring pag-usapan at talakayin ito sa susunod na mga sesyon ng Kongreso.

“Nagpapasalamat ako sa Pangulo, sa pamunuan ng Kamara sa ilalim ni Speaker [Martin] Romualdez, Rep. Solomon Chungalao, at Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella, sa kanila tiwala at pagsulong sa akin upang itulak ang aking adhikaing ito,” for their trust in allowing me to champion this measure,” pawakas na pahayag ni Salceda.