P60K SAHOD SA GOV’T NURSES

Government nurses

SA PAG-ASANG mahimok ang maraming Filipino registered nurses na dito na lamang sa bansa magtrabaho sa halip na maghanap ng mas mataas na sahod sa abroad, inihain sa Kamara ang panukalang batas na nagsusulong na doblehin ang entry-level pay ng governmnent nurses.

Sa House Bill No. 7933, nais ni Anakalusugan PartyList Rep. Mike Defensor na gawing P60,901 ang monthly-based pay ng mga pampublikong nars.

Ito’y sa pamamagitan ng pagtataas ng hanggang anim na antas o mula sa kasalukuyang Salary Grade 15 (P32,053 per month) para sa government nurses ay magiging  Salary Grade 21 na ito.

Giit ni Defensor, kailangang matapatan ng pamahalaan kahit man lamang ang starting pay na ibinigay ng mga employer para sa registered nurses na kinukuha papuntang Middle East countries.

“We cannot match the starting pay being offered by North American and European hospitals to Filipino nurses, but we can match the rate being offered by employers in Saudi Arabia, for instance,” dagdag ng kongresista, na siya ring vice-chairman ng House Committee on Health.

Nabatid na ang starting monthly pay ng Philippine-educated nurses sa Saudi Arabia ay nasa P60,000, partikular sa mga nakatalaga sa hospitals habang P80,000 para sa private duty services.

“In Europe, the starting monthly pay of Filipino nurses is equal to anywhere from P115,000 to P137,000, while in the United States the rate is equal to around P185,000,” ayon pa kay Defensor..

Pagbibigay-diin pa niya, kung hindi masisiguro ng gobyerno na mabibigyan ng mas mataas na suweldo kumpara sa ngayon ang mga nars, tiyak na patuloy na mawawalan ang bansa ng nasabing hanay ng medical workers, na kinakailangan para sa pagkakaloob ng estado ng mas maayos at mahusay na public health care services.

“We are already losing around 19,000 nurses every year to foreign employers. A decade ago, we were losing only 12,000 of them annually,” dagdag pa niya.  ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.