INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport NAIA ang isang Zambian national matapos mahulihan ng 9,276 gramo ng illegal na droga sa kanyang bagahe.
Nabatid na dumating ang pasaherong kinilalang si Beatrice Mulauzi, 34-anyos ng Hybrid road, Lusaka Kaunda Square, Zambia lulan ng Ethiopian Airlines na lumapag sa NAIA Terminal 3.
Natuklasan ang mga naturang illegal drugs sa kanyang bagahe matapos sumailalim sa X-ray scanning at may 2 vacuum sealed plastic bags p na naglalaman ng 9,276 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na aabot sa P63,076,800.00 ang halaga.
Kasalukuyan nasa kostudiya na ng NAIA PDEA ang datuhang suspect para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya.
CRISPIN RIZAL