P64.599-M PARA SA IRRIGATION PROJECTS NG NIA

IRRIGATION

UMAABOT sa P64.599 milyong halaga ng heavy equipments ang  binili ng National Irrigation Administration (NIA) para magamit sa construction at Ope­rations and Maintenance (O&M) para sa kanilang mga irrigation projects sa buong bansa.

Ang pagbili ng  light/transport and heavy equipment ay nakapaloob sa three-year refleeting program ng NIA mula 2017  hanggang  2019.

Sa isang simple turn­over ceremony na ginanap sa NIA grounds ay pormal na tinanggap ni Administrator Ricardo R. Visaya ang mga biniling heavy equipment mula sa nanalong bidder, ang Civic Merchandising, Inc.

Nabatid kay Pilipina P. Bermudez, NIA Public Affairs and Information Officer, umaabot sa 34 units ng light /transport vehicle at 17 heavy equipment ang binili para sa CY 2017, habang para sa CY 2018, bumili ang NIA ng  91 units of light/transport vehicles at 18 units ng heavy equipment.

Nakatakda ring bumili pa ng five units of heavy equipment at 91 units of light/transport vehicles ang nasabing ahensiya  ngayong 2019.

Kaugnay nito, naglatag si Adm. Visaya ng mga hakbangin upang matiyak na walang magaganap na delay sa mga government project na nasa ilalim ng kanilang ahensiya para hindi mag-suffer ang mga magsasaka.

Kabilang dito ang pagbibigay ng warning sa mga contractor hinggil sa mga delayed na proyekto  at pag-aatas na magsumite sila ng mga hakbangin upang mahabol ang mga delay sa kanilang mga proyekto.

Layunin nito na mapaunlad ang paghahatid ng irrigation services sa  operations and project implementation.

“Administrator Visaya always warns the field managers to avoid delays in project implementation because any delay in project implementation would mean depriving the Filipino farmers of the irrigation service and benefits that they deserve. The said circumstance is definitely an injustice to the farmer-beneficiaries. Field managers are issued warning for not complying to his directives or, at times, relieved from their station if warranted,” pahayag naman ni Bermudez. VERLIN RUIZ

Comments are closed.