P64-M SMUGGLED CIGARS NASAMSAM

TINATAYANG aabot sa P64 milyon kontrabando ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Navy At Bureau of Custom habang nagsasagawa ng anti-smuggling ope­ration kasabay ng kanilang maritime domain awareness patrol sa Manuk Mangkaw Island, Simunul, Tawi-Tawi nitong nakalipas na Linggo.

Sa ulat na ipinara­ting sa tanggapan ni Navy Flag Office in Command Vice ADMIRAL Toribio Adaci Jr., hinarang ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sakay ng BRP Jose Loor Sr. (PC390) ang M/L Yasmen dahil sa kahinahinalang kargamento nito.

Nang masabat at magsagawa ng Visit, Board, Search and Seizure (VBSS) ang mga sundalo ng Philippine Navy ay nadiskubre ang bulto bultong undocumented tobacco pro­ducts habang naglalayag sa bisinidad ng Manuk Mangkaw Island.

“The apprehension of M/L Yasmen transpired during a routine maritime security patrol, maritime law enforcement operation, external defense operation and sovereign patrol of PC390 to ensure maritime interest at the Trilateral Patrol area,’ ayon sa report.

Ayon kay Rear Admiral Donn Anthony L Miraflor, pinuno ng NFWM sa pagrerekisa ay nadiskubre ang mga iligal na kontrabando kung saan ay tinata­yang nagkakahalaga ang nasabing tobacco goods ng P64 million batay sa kasalukuyang market values.

Agad namang na-turn over sa panganga­laga ng Bureau of Customs Sub-Port Bongao Station ang nasamsam na mga kargamento para sa proper disposition at follow up investigation.

“We remain resolute in our mission to uphold maritime security and promote lawful commerce within Philippine waters. The Philippine Navy stands ready to confront and deter any threat to national sovereignty and maritime safety,” ani RADM Miraflor.
VERLIN RUIZ