P648.9-M COINS IDINEPOSITO SA BSP MACHINES

MAY P648.9 million na halaga ng coins ang idineposito sa coin deposit machines (CoDMs) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hanggang noong Abril 15.

Ayon sa BSP, ang halaga ay katumbas ng 179.6 milyong piraso ng coins mula sa mahigit 161,000 transactions.

Ang BSP ay naglagay ng 25 CoDMs sa Greater Manila Area magmula noong  Hunyo  2023.

Maaaring ideposito ng mga customer sa CoDMs ang kanilang legal tender coins na ike-credit sa kanilang GCash o Maya electronic wallet accounts o iko-convert sa shopping vouchers.

Ang CoDMs ay kasalukuyang naka-deploy sa Robinsons Place mall branches sa Metro East, Pasig City; Novaliches, New Manila (Magnolia) and Galleria, Quezon City; Antipolo, Rizal; at Ermita, Manila; Festival Mall, Muntinlupa City; at  SM malls sa Mandaluyong City (Megamall); City Grand Central, Caloocan; Marilao, Bulacan; Taytay, Rizal; Hypermarket FTI, Taguig City; Southmall, Las Piñas City; Sucat, Parañaque; Calamba, Laguna; Marikina; San Mateo, Rizal; Valenzuela; Mall of Asia, Pasay City; North EDSA at Fairview, Quezon City; San Lazaro, Manila; Bicutan, Parañaque; at Bacoor, Cavite.

LIEZELLE SORIANO