ITINUTULAK ng isang kongresista ang P650 na nationwide minimum daily wage.
Layunin ng House Bill 668 ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo na mahikayat ang mga manggagawang Filipino na huwag nang magtrabaho sa ibang bansa at maging patas ang sahod ng mga nasa Metro Manila at mga probinsya.
Ang hakbang ay bunsod na rin ng napipintong repatriation program ng pamahalaan sa mga overseas Filipino worker sa Middle East na maiipit sa tensiyon sa pagitan ng Amerika at ng Iran.
Bukod sa pantay-pantay na minimum daily wage ay isinusulong din ng mambabatas ang paglikha ng go-byerno ng mas maraming trabaho upang lalong hindi na umalis pa ng bansa ang mga Filipino.
Paliwanag ni Salo, kung mataas ang sahod at maraming trabaho sa bansa ay mas pipiliin ng mga Filipino na rito na lamang magtrabaho para makapiling na rin ang kanilang mga pamilya.
Tinukoy rin ng kongresista ang malaking pagkakaiba ng suweldo ng mga nasa urban at rural areas gayong pareho lang naman din ang klase at bigat ng kanilang mga trabaho. CONDE BATAC
Comments are closed.