P662.5-M STANDBY FUND INILABAS PARA SA KALAMIDAD

DBM

NAGPALABAS ngayong araw ang Department of Budget and Management (DBM) ng halagang P662.5-milyong piso sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magsisilbing augmentation fund sa  Quick Response Fund (QRF) para sa Disaster and Response Management Program ng ahensiya.

Ang QRF ang nagsisilbing standby fund na nakalaan para tustusan ang relief at rehabilitation efforts ng gobyerno sa mga panahon ng kalamidad.

Ang halagang P662.5-milyong piso ay gagamitin para sa pagbili ng family food packs para sa mga isasagawang proyekto ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) programs tulad ng pagbili ng mga relief supplies, cash o ‘di kaya ay food-for work programs, shelter assistance, para sa administrative at operational expense at magsisilbi ring stand-by fund para disaster augmentation.

Bago ang pagpapalabas ng nabanggit na augmentation fund, ang QRF ay may balanse pa na  103.6 milyong piso.     EVELYN QUIROZ

Comments are closed.