P680K SHABU NASAMSAM SA 2 BABAENG TULAK

DALAWANG babaeng drug pushers ang arestado na nakumpiskahan ng P680,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Muntinlupa Drug Enforcement Unit (DEU) Sabado ng gabi sa lungsod.

Sa report na isinumite ng Muntilupa City police kay Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Jimili Macaraeg, kinilala ang mga suspek na sina Jalanie Camulo a.k.a. Mama at Sittie Pindatun a.k.a. Eallah.

Base sa imbestigasyon ng Muntinlupa City police, isinagawa ang anti-illegal drugs operation ng DEU na pinamunuan ni Maj. Peter Aquino dakong alas-11 ng gabi sa old terminal sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Nakumpiska ng mga operatiba sa naturang operasyon ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000, isang leather pouch at dalawang P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Itinurn-over sa SPD Crime Laboratory ang mga droga para sumailalim sa chemical analysis habang ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Muntinlupa custodial facility habang naghihintay ng pagsasampa ng kaso sa kanila sa Muntinlupa City prosecutor’s office.

Nauna dito, noong Biyernes ay nagsagawa rin ang Muntinlupa DEU ng entrapment operation sa Purok 5, Brgy. Sucat kung saan nadakip ang dalawang drug suspects na sina Reginald Leceta, 40-anyos at Jeffryan Bunag, 35-anyos, kapwa residente ng Brgy. Sucat.

Nakumpiska ng DEU sa naturang operasyon ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800. MARIVIC FERNANDEZ

7 thoughts on “P680K SHABU NASAMSAM SA 2 BABAENG TULAK”

  1. 804103 806907Nice read, I just passed this onto a friend who was doing a little research on that. And he just bought me lunch since I found it for him smile Therefore let me rephrase that: Thank you for lunch! 327938

Comments are closed.