ISANG kasunduan ang nilagdan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at Department of Transportation (DOTr) para sa pagsasaayos ng apat na airports sa bansa.
Sa ulat na nakalap mula sa DND Public Affair Service lumagda kahapon sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang dalawang kagawaran para sa Procurement and Implementation kaugnay sa development project para sa iba’t ibang paliparan sa bansa .
Mismong sina Defense Secretary Delfin N. Lorenzana at Transportation Secretary Arthur P. Tugade ang opisyal na lumagda sa MOA na ginanap sa DND Social Hall para sa kanilang partnership projects.
Naniniwala sina Lorenzana at Tugade na makatutulong ito sa Build, Build, Build Program ni President Rodrigo Roa Duterte ang nasabing rehabilitasyon.
Nakapaloob sa development project ang apat na priority airports na pinaglaanan ng nasabing halaga.
Tutustusan ang asphalt overlay runway at air strip grade correction ng Laoag International Airport sa Ilocos Norte, extension ng runway ng Vigan Airport sa Ilocos Sur, asphalt overlay ng runway ng Cotabato Airport sa Maguindanao, at construction ng perimeter fence and embankment ng Sanga-Sanga Airport sa Tawi-tawi.
Naging saksi sa MOA Signing ang ilang DND and DOTr officials na kinabibilangan nina Undersecretary of National Defense Cardozo M. Luna, Undersecretary Capt. Manuel Antonio L. Tamayo – Undersecretary for Aviation and Airports, DOTr, Engr. Abelardo Sobe Jr. Acting Chief of Aviation Project Development Unit, DOTr, MGEN Felipe B. Bejar Jr. AFP – AFP Corps of Engineer (AFPCOE), Task Force for Infrastructure Development.
Kumpiyansa si Secretary Lorenzana na matatapos nila ang mga nasabing proyekto sa tamang oras at magiging prayoridad din ng infrastructure development ang iba pang mga paliparan sa bansa.
Together, the DND and the DOTr will endeavor to give Filipinos a more comfortable life,” pahayag ni Secretary Tugade na nagsabi pang “kasama namin kayo sa Build, Build, Build [Program], at kasama rin namin kayo sa pagbibigay ng mas komportableng buhay para sa mga Filipino.” VERLIN RUIZ
Comments are closed.