P68M SHABU NAKUMPISKA; 3 ARESTADO

LAGUNA- TATLONG drug suspects ang inaresto habang isang menor ang naisalba sa patuloy na anti-illegal drug campaign ng pulisya sa lalawigang ito.

Sinabi ni PNP Chief, PGen. Dionardo Carlos, ginagamit ng mga suspek ang kabataan para sa kanilang ilegal na aktibidad.

“We have to stop these criminals and protect our children from being used as drug runners,” ayon kay Carlos.

Kinilala namna ang mga inaresto na sina Ace Arciaga, 35-anyos, binate at nakatira sa Landayan, San Pedro, Laguna; alyas Shame, 19-anyos; ng Bayanan, Muntinlupa City; at Benz Gonzales, 21-anyos ng Muntinlupa City.

Nakuha sa tatlo ang 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon, ng pinagsanib na operatiba ng PNP Drug Engorcement Group, kasama ang Regional Drug Enforcement Unit 4A, Laguna Intelligence at anti-illegal drugs operatives, PDEA NCR at amg PDEA 4A.

Kasama ng tatlo ang isang 17-anyos na binatilyo na nagsilbi nilang runner.

Nakakulong ngayon ang tatlo sa PNP-DEG at nahaharap sa non-bailable charges para sa drug trafficking habang ang binatilyo ay inilpat as municipal social welfare.