ISINUSULONG ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapatupad ng P6,000 standard salary para sa mga kasambahay.
Ayon kay Bello, inatasan na niya ang iba pang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pag-aralan kung posibleng ipatupad ang P6,000 pasahod sa mga kasambahay sa buong bansa.
Aniya, naniniwala siyang makatuwiran ang naturang pasahod para sa mga kasambahay.
“’Yong tungkol sa mga kasambahay, proposal pa lang ‘yon na ‘yong P6,000. Pero ako, sa tingin ko resonable ‘yong P6,000,” sabi ni Bello sa isang virtual press briefing.
Ang mga employer na hindi kaya ang nasabing pasahod ay makabubuti aniyang huwag na lang kumuha ng kasambahay.
“Kung hindi mo kaya ‘yong P6,000, huwag kang kumuha ng katulong. Ikaw na ang maglinis sa bahay mo, ikaw na maglinis sa kotse mo, ikaw na magpaligo sa mga pusa ninyo o mga aso ninyo,” dagdag ni Bello.
Comments are closed.