ZAMBOANGA CITY-NASABAT ng Bureau of Customs ang P7.1 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo lulan ng isang motor boat nitong Sabado sa lalawigang ito.
Ang naturang smuggled items ay naglalaman ng 203 master cases ng imported na sigarilyo sakay ng maliit na motor boat na jungkung na may markang fb harayana.
Naharang ng 2nd Zamboanga city mobile force company (2nd ZCMFC) sa Barangay Manalipa ang motorboat na nagmula pa sa Sulu Province bandang alas-11:15 ng gabi na patungong Pagadian City.
Nabatid na bigong magpakita ng dokumento ang anim na crew ng naturang bangka para sa kaukulang legal na papeles sa pagta-transport ng naturang cargo.
Samantala,agad namang itinurn-over ng 2nd ZCMFC sa BOC ang nakumpiskang sigarilyo at maging ang mga nasabing crew.
PAULA ANTOLIN