P7.4-B BONUS NG PNP PERSONNELS APRUBADO NA

bonus

APRUBADO na ng Philippine National Police (PNP) ang paglalabas ng P7.4 bilyon para sa 2019 yearend bonus na ipamamahagi sa mahigit 200,000 police uniformed at non-uniformed personnel sa buong bansa.

Inihayag ni PNP OIC, Lt/Gen, Archie Francisco Gamboa na ang year-end bonus ay katumbas ng monthly basic salary ng kada personnel.

Bukod dito, mayroon pang matatanggap na mandated P5,000 cash gift mula sa national government.

Subalit, nilinaw ni Gamboa na ang yearend bonus ng PNP personnel na may nakabinbing kasong kriminal at administratibo ay hindi pa makukuha o pansamantalang naka-hold.

Samantala, ang PNP personnel na hindi pa naka-enroll sa ATM payroll system ay makatatanggap ng tseke sa pamamagitan ng kanilang regional finance service offices.