NAHARANG ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang P7.5 milyon halaga ng illlegal drugs mula sa apat abandonadong shipments sa Central Mail Exchange Center, sa Pasay City.
Ayon sa report, nadiskubre ang mga naturang droga nitong nakaraang araw matapos ang isinagawang X-ray Scanning at sa tulong ng mga kawani ng Philippine Drugs Enforcement Agency at Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP).
Bumulaga sa mga awtoridad ang tinatayang aabot sa isang libong ecstacy tablets, liquid Gamma-Hydroxybutyrate (GHB) marijuana oil at marijuana-infused jelly candies.
Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, ideneklara ang mga ito bilang mga personal items, massage oil at coffee.
Agad naman nai-turn over ang ang mga drogang ito, sa mga tauhan ng PDEA, at kasalukuyang nagsasagawa ang mga ito, ng imbestigasyon upang matukoy at papanagutin ang mga consignee, dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Act of 2000.
FROILAN MORALLOS