P7.9-M SHABU NASABAT SA BUY BUST

ILOILO CITY- NASAKOTE ang dalawang high-value individuals (HVI) na nakumpiskahan ng 1,170 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P7.956 milyon sa isinagawang buy-bust sa Barangay Malipayon-Delgado sa lalawigang ito.

Sa ulat ni Capt. Glenn Soliman ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), nadakip sa isinagawang buy bust operation ang mga suspek na sina alyas Erwin, 22-anyos ng Barangay Baldoza at isang Alyas“Pirot” ng Barangay Ingore, kapwa mula sa La Paz District.

“This is a big help in our efforts to prevent the entry of illegal drugs possibly for use in the city during the Dinagyang Festival,” pahayag ni Soliman.

Tumangging munang pangalanan ng dalawang suspek na nagtatrabaho bilang warehouse caretakers.

Nabatid na gumagamit ang mga suspek ng saksakyan upang maghatid ng ilegal na droga sa kanilang mga parokyano.

Bumili ang undercover agents ng P80,000 shabu habang natuklasan ang iba pang stock sa harap ng passenger seat ng asul na sedan.

Kabilang din sa mga narekober ang 22 plastic sachets at 14 piraso ng transparent plastic bags na naglalaman ng shabu, P1,500 cash at iba pang non-drug items.

Kasalukuyang hawak ng Iloilo City Police Station 1 ang mga suspek habang hinihintay na masampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. EVELYN GARCIA