MAKATATANGGAP ang health workers na ikinokonsiderang ‘high risk’ ng P9,000 kada buwan matapos magpalabas ang Department of Budget and Management ng P7.92 bilyon para sa kanilang allowance at iba pang personnel na tumutugon sa pandemya sa COVID-19.
Bukod sa ‘high risk’ health workers, ang ‘medium risk’ ay makatatanggap naman ng P6,000, at ang nasa ‘low risk’ ay makatatanggap ng P3,000 sa kada buwan.
Ayon sa DBM, ang pinakahuling nai-release na pondo sa Department of Health (DOH) ay ilalaan sa One COVID-19 Allowance (OCA) ng 526,727 public at private healthcare workers, kasama na ang non-healthcare workers.
Kasama rito ang P4.5 bilyong pondo para sa benefits ng 100,313 plantilla workers ng DOH sa public hospitals, offices, at rehabilitation centers pati na ang military at state university hospitals.
Ang natitirang P3.42 bilyon ay para naman sa 426,414 health workers na nakatalaga sa local government units at private health facilities, at iba pa. EQUIROZ