P7 M HALAGA NG UKAY-UKAY NASABAT

BACOLOD CITY-NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Iloilo ang bulto-bultong Ukay ukay matapos salakayin ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang isang warehouse sa Brgy. Villamonte ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, ni-raid ang naturang warehouse noong Mayo 3 ng pinagsanib na mga tauhan ng Iloilo Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service ng Customs Police (ESS-CPD), Philippine National Police (PNP) at Barangay opisyal ng Villamonte.

Nakita ng mga awtoridad sa loob ng bodega ang nakaimbak na mga Ukay-ukay na sapatos, bags, bed sheet at mga imported na mga kurtina na tinatayang aabot sa P7 milyon ang halaga.

Sa ngayon nagsasagawa ng imbestigasyon ang BOC- Iloilo bago sampahan ang may-ari ng bodega ng kasong kriminal dahil sa paglabag ng RA 4653.

Batay sa nakalap ng impormasyon ng pahayagang ito, ang naturang batas ang siyang may hurisdiksyon o nagre-regulate sa importation ng mga Used Clothing o popularly know as Ukay-ukay.

Samantalang, kinondena ng private sector ang naging hakbang ng BOC, anila, tila pinaiikot ang taumba­yan dahil ang mga Ukay-ukay ay kontrolado ng BOC, at sila din ang may control sa in and out sa mga ilegal na kargamento.

At anila nailalabas ang mga ito sa bakuran ng Customs dahil sa sabwatan ng ilang tiwaling kawani ng BOC at importer. FROILAN MORALLOS

6 thoughts on “P7 M HALAGA NG UKAY-UKAY NASABAT”

Comments are closed.