P700 KITA KADA ARAW SA TINDANG ‘BINANGKAL’

ANG “Binangkal” ay tinapay na ipiniprito sa mantika. Mas kilala ito sa parteng Kabisayaan. Paborito itong mer­yenda katerno ng mainit na kape.

Kung titingnan, para itong buchi. Medyo crispy ang panlabas na anyo nito pero super lambot naman ang parteng loob nito at talaga namang mapapawow ka sa sarap.

Siya si Jeffrey Soriano, 34-anyos, may asawa at 4 anak. Proud tindero ng masarap na binangkal.

Halos 5 taon na siyang nagtitinda ng binangkal. Araw-araw laman siya ng kalye ng bayan ng Rosario. Bitbit ang basket na may lamang binangkal, madaling-araw pa lamang ay nilalako niya na ito sa pandawan.

Paborito ito ng mga mangingisda. Ang iba nga sa kanila ay bumibili ng marami para ibaon sa paglaot sa dagat. Sa halagang P10 matitikman ang masarap na binangkal.

Si Jeffrey ay tubong Pangasinan, subalit, sa Cavite niya natagpuan ang marangal na hanapbuhay.

“Sipag at tiyaga lamang ang puhunan sa pagtitinda ng binangkal. Araw-araw may P700 ako. Nabibili ko ng pagkain ang mag-iina ko”, pagmamalaki ni Jeffrey.  SID SAMANIEGO

5 thoughts on “P700 KITA KADA ARAW SA TINDANG ‘BINANGKAL’”

Comments are closed.