P70K ASSORTED GROCERIES AT 100 UNAN NATANGGAP NG ARMY FRONTLINERS MULA SA PRIVATE SECTORS

Ramon Zagala

NAGKAROON ng assorted groceries at mga unan ang mga sundalo mula sa Philippine Army na patuloy na naka-deploy para mahigpit na magpatupad ng Enhanced Community Quarantine kontra COVID-19.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col Ramon Zagala, aabot sa P70,000 na assorted groceries ang ibinigay ng APG International Aviation Academy.

Bukod dito, ibinigay naman ng Sylpauljoyce Furniture Lights & Decor ang 100 unan.

Sinabi ni Zagala, ang mga ito ay donasyon para sa mga Security Escort Battalion ng Philippine Army at mga sundalong nakatalaga sa Army General Hospital.

Layon ng dalawang pribadong sektor na makatulong sa mga frontliner katulad ng mga sundalo.

Lubos naman ang pasasalamat ng Philippine Army sa donasyong kanilang natanggap. REA SARMIENTO

Comments are closed.