P71.09-M ROAD PROJECTS SA DAVAO CITY TINUTUKAN

DAVAO DEL SUR- NAKATUTOK ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos ng mga kalsada sa Davao City-Jct. Digos City Section ng Davao-Cotabato Road na nagkakahalagang P71.09-million asphalt overlaying ang isinasagawa ng DPWH Davao City Second District Engineering Office (DEO) sa 9.41 lane kilometers ng Davao City-Jct. Digos City Section sa Toril District, Davao City.

Ayon sa DPWH Regional Office 11 OIC-Director Juby B. Cordon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan at Undersecretary for Mindanao Operations Eugenio R. Pipo, Jr. na ang proyekto ay nasa 90% nang kompleto as of August 2023.

Sinabi naman ni OIC-Director Cordon, ang naitalang accomplishment ay 28.33 percent na mas mataas kaysa sa 62.25 percent na target, kung saan ang proyekto ay nakatakdang makumpleto sa Oktubre 2023.

Kamakailan lamang, natapos ng DPWH Davao City Second DEO ang P48.2-million road maintenance sa 6.76 lane kilometers ng Davao-Cotabato Old Road gayundin sa Toril District sa Davao City.
PAULA ANTOLIN