P72.6-M LAAN NG DOLE SA HIRING PROGRAM

Silvestre Bello III

TINIYAK ng Department of Labor and Employment  (DOLE) na gumagawa sila ng mga paraan para matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong indibiduwal ng Taal eruption, partikular ang kanilang pangkabuhayan at trabaho.

Kabilang dito ang paglalaan ng DOLE ng P72.6 milyong pondo para sa kanilang hiring program.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, gagamitin ito para sa paghi-hire ng libu-libong mga displaced sa Batangas.

Dahil dito, nakatakdang kumuha ang DOLE ng anim na libong mga trainees na pansamantalang pagkakalooban ng mga trabaho.

Kabilang na rito, ang 600 interns na magmumula sa bayan ng Agoncillo, Lemery, San Nicolas, Mataas na Kahoy, Laurel, Talisay, Taal, Balete, Sta Teresita at maging sa San Jose.

Magtatrabaho ang mga ito sa loob ng isang buwan at makatatanggap ng sahod na katumbas ng minimum wage sa Batangas.

Gayundin, bukas ang internship program ng DOLE sa lahat ng kabataan edad 18 pataas.

Comments are closed.