SISIMULAN na ngayong taon ang konstruksiyon ng Bulacan airport, ayon sa Department of Transporta-tion (DOTr).
Tinaguriang New Manila International Airport (NMIA), ang P735.6 billion project ay igagawad sa San Miguel Holdings Corporation (SMHC) makaraang walang humamon dito sa bidding na isinagawa ng Bids and Awards Committee (BAC) ng DOTr sa tanggapan nito sa Clark, Pampanga.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Communications Goddes Hope Libiran, ang susunod na hakbang sa proseso ay ang pag-iisyu ng notice of award (NOA) sa SMHC sa susunod na limang taon na susundan ng notice to proceed (NTP).
“’Yung NEDA (National Economic and Development Authority) board approval, tapos na ‘yun. That was given before the Swiss Challenge. Next step is the issuance of an NOA (within 5 days) and then issu-ance of the NTP,” ani Libiran.
Sinabi naman ni DOTr Assistant Secretary for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez na sa sandaling ma-tanggap ng SMHC ang kanilang NOA ay may 20 araw sila para sumunod sa ilang requirements.
“On the notice of award, there are some conditions that should be complied with. These include post-performance security, proof of commitment, among others as stated in the law. They (SMHC) have 20 days to do so,” ani Lopez.
Samantala, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang NMIA ay bahagi lamang ng ‘basket of solu-tions’ na ipatutupad ng administrasyong Duterte.
“This new international airport is important in helping ease the congestion of the Ninoy Aquino Inter-national Airport. Together with the expansion of Clark Airport and the construction of additional facili-ties at Sangley Airport, Bulacan Airport is part of ‘baskets of solutions’ to bring further connectivity to the Filipino people,” ani Tugade. PNA