HINILING ng isang kongresista na ilipat ang isiningit na P75 billion sa 2019 budget sa dagdag na suweldo at iba pang benepisyo ng mga public at private school teachers sa buong bansa.
Ayon kay 1-ANG EDUKASYON partylist Rep. at Assistant Minority Leader Bong Belaro, ang isiningit na pondo sa DPWH ay dapat mapakinabangan ng mga totoong tao, sa halip na mga bo-gus na proyekto.
Inirekomenda ni Belaro na ilaan na lamang ang P75 billion budget insertion sa umento sa sa-hod at improvement ng retirement at iba pang benepisyo ng humigit kumulang dalawang milyong guro mula sa pribado at pampublikong paaralan.
Napapanahon din, aniya, ang kanyang suhestiyon kasunod na rin ng naunang pahayag noong nakaraang linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tataasan ang suweldo ng mga guro at ito ay huhugutin mula sa public funds.
Sinabi pa ng kongresista na para maitaas ang kalidad ng edukasyon ay dapat na ayusin ang benepisyo at insentibo ng mga guro na nasa frontline ng pagbibigay ng edukasyon.
Umaasa si Belaro na pakikinggan ng Senado ang kanyang rekomendasyon sa paggamit sa isin-ingit na budget sa DPWH. CONDE BATAC
Comments are closed.