NANANAWAGAN si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang P75 billion internal realignment ng House of Representative.
Sa isinagawang Kapihan sa Senado ay nanindigan si Drilon na maituturing na ‘pork’ ang ginawang amendments ng Kamara da-hil sa ginalaw ito kahit naaprubahan na sa bicam at naratipikahan na ng budget.
Iginiit ni Drilon, wala nang choice ang Pangulo kundi i-veto ang kuwestiyonableng items sa budget na isinumite ng Kamara.
Ipinaliwanag ni Drilon, sa nakalagay sa sertipikasyon ni Senate President Vicente Tito Sotto III na limitado lamang ang kanyang nilagdaang budget sa items na inaprubahan sa bicam at naratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Aniya, hindi kinikilala ng Senado ang items na ginalaw ng Kamara matapos ang Bicam approval at ratification na ang tinutukoy ay ang internal realignment na P75 bilyon.
Iginiit pa ni Drilon na may desisyon na ang Supreme Court noong Agosto 14,1997 na inihain ng yumao at dating Senador Joker Arroyo kung saan tinutukoy na ang enrolled bill copy ay rule of evidence na tanging ang Pangulo lamang ang maaring mag-apruba o mag-veto tulad ng proseso sa budget system sa bansa.
Dagdag pa ni Drilon, na ang kinikilalang enrolled bill na naaayon sa batas ay ang inaprubahan sa bicam at naratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso. VICKY CERVALES
Comments are closed.