NAGHAIN ang Makabayan bloc sa Kamara ng House Bill 7787 na naglalayong gawing P750 ang minimum wage sa lahat ng mga empleyado sa bansa mula sa kasalukuyang P512.
Ang pagtataas sa minimum wage ay bunsod na rin ng patuloy na pagsirit sa presyo ng langis at produktong petrolyo sa bansa dulot ng TRAIN.
Layunin ng panukala sa pagtataas sa minimum wage na makaagapay sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Maliban sa isa itong solusyon para tugunan ang negatibong impact ng TRAIN Law, nais din ng MAKABAYAN na kilalanin sa pamamagitan ng pagtataas ng minimum wage ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino.
Giit pa ng MAKABAYAN, hindi bago o radical na panukala ang hirit na taasan ang minimum wage dahil ito ay salig na rin sa Wage Rationalization Act noong Aquino administration.
Kaugnay nito, nanawagan ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang Kongreso na bigyang prayoridad ang naturang panukala. CONDE BATAC
Comments are closed.