P75K SMUGGLED NA SIGARILYO NASABAT NG CUSTOMS

sigarilyo

TINATAYANG aabot sa P75,000 halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa joint anti-smuggling operations sa Port of Zamboanga.

Kahon-kahong puslit na sigarilyo na aabot sa 149 reams ng Cannon Menthol Cigarettes na nagkakaha­laga ng P74,500 ang nasabat ng BOC na isinakay sa MV Lady Mary Joy 1 na isang pampasaherong barko mula Jolo, Sulu.

Hinikayat naman ni District Director Segundo Sigmundfreud  Z. Barte Jr. ang publiko na i-report ang mga smuggling operation para suportahan ang anti-smuggling operation ng BOC.

Maglalabas naman ng warrant of seizure and detention sa mga nasamsam na puslit na sigarilyo sa paglabag sa Executive Order no.245, “Amended Rules  and Regulations Governing the Exportation and Importation of Tobacco and Tobacco products” at Customs Modernization and Tariff Act of 2016.

Lumalabas sa tala ng customs na umaabot na sa kabuuang P120 milyon ang halaga ng mga nasabat na puslit na sigarilyo mula nang maupo sa puwesto si Barte. PAUL ROLDAN

Comments are closed.