(P78.9-B noong Mayo) INFRA SPENDING LUMOBO

DBM

TUMAAS ang infrastructure spending ng pamahalaan noong Mayo, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa datos ng DBM, ang infrastructure expenditure ay umabot sa P78.9 bilyon sa naturang buwan, mas mataas ng 102.5 percent kumpara sa P38.9 billion na ginasta sa kaparehong panahon noong 2020.

“This is largely credited to the ongoing implementation of infrastructure projects of the Department of Public Works and Highways nationwide,” ayon sa ahensiya.

Ang infrastructure projects ay kinabibilangan ng konstruksiyon, pagkukumpuni at rehabilitasyon ng mga kalsada at tulay, kasama ang flood mitigation structures at drainage systems.

“In contrast to May last year, construction activities were barely conducted amid the extended implementation of the enhanced community quarantine for most part of Luzon and key areas in the Visayas regions,” paliwanag ng DBM.

Sa pinakabagong kuwenta ay umakyat na ang infrastructure disbursements sa P332.3 billion hanggang noong Mayo, tumaas ng 97.1 percent mula 235.2 billion na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Ang pagtaas ng infrastructure spending, na kabilang sa mga prayoridad ng economic recovery program ng pamahalaan, ay lilikha ng karagdagang mga trabaho sa pamamagitan ng iba’t ibang infrastructure projects, pahayag ni RCBC chief economist Michael Ricafort sa CNN Philippines.

Idinagdag pa niya na magbibigay benepisyo ito sa contractors, suppliers, at iba pang related/allied industries sa supply chain/value chains ng infrastructure projects, kabilang ang mga nasa ‘Build Build Build’ program.

2 thoughts on “(P78.9-B noong Mayo) INFRA SPENDING LUMOBO”

  1. 69401 9913There is noticeably a bundle to realize about this. I assume you created various good points in capabilities also. 862408

Leave a Reply

Your email address will not be published.